Pagpapalinis ng ipin / Teeth Cleaning / Oral Prophylaxis
- Light - kapag tinignan ang ipin mo may kakaunting mga tartar sa gilid gilid
- Moderate - kapag tinignan ng iyong ipin may mapapansing yellowish or whitish na dumi dumi.maaring may mga nicotine stains na nakukuha sa paninigarilyo o sa madalas na paginom ng makukulay na inumin tulad ng kape.
- Heavy - super daming lilinisin. May mga hard plaques na. Maaring whitish, yellowish, greenish, grayish, blackish ang kulay ng dumi sa ipin. Ito ung matigas tigas at hindi natatanggal ng simpleng pagtotoothbrush lamang. Maaring umabot na ang plaque sa ilalalim ng gums.
Dapat every six months ka nagpapalinis ng ipin para mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng ngipin mo. isa rin ito sa mga preventive measures upang hindi magkaroon ng sira at maiwasang maipabunot ang mga ngipin.
Kung ikaw ay diagnosed na may heavy calcular deposit,minsan magkakaroon ng mga gaps in between teeth. ito ay dahil duon natanggal ang mga matitigas na tartar. normal lang ito. kaya para maiwasan hanggat maari sundin ang mga payo ng inyong dentista. magsipilyo, magfloss at mag rinse ng mouthwash.
Libre lang magpalinis ng ngipin sa mga studyanteng nagaaral sa mga dental schools tulad ng UP, UE, CEU at marami pa.
Pagkatapos b magpalinis ng ngipin at magpapasta normal b n masasakit ang mga ito 4days n masakit prin?
ReplyDeleteTy po s sasagot kng maaari dentist din po ang sasagot or my same experience at ano po gamot
ito po ay best na masagot kung kayo po ay machecheck face to face ng dentista upang mabigyan po kayo ng exact na lunas sa inyong nararamdaman. para po sa home remedy maari po kayong mag mumog ng warm water with salt.
DeletePwede bang kumain pagkatapos magpalinis ng ngipin
ReplyDeleteAny suggestion for teeth cleaning price in the philippines?
ReplyDelete