Sa totoo lang hindi ko pangarap maging dentista. wala rin akong kamag-anak na kumuha ng kursong dentistry. Walang umudyok saking ito ang kunin ko.
Kapag 4th yr highschool na, diba may mga eskwelahang kang pupuntahan para makapagtake ng entrance exam. wala rin kasi akong specific na school na gustong pagenrollan e. nasa isip ko nun... kung san ung friends ko dun na rin ako. haha, halos lahat ata ng schools gusto kong kuhaan ng entrance exam. pag tinatanong naman kung ano daw kurso kong kukunin magulo rin nasa isipan ko. kung ano lng makita sa course list un nalang. sa mga eskwelahang napili ko... .. kundi malayo ,ayaw naman ng parents ko ung course na napili ko.
Isang araw magtatake ng entrance exam as usual di ko alam ung gusto kong course. trip ko lng ... first choice kung ano ung course na feeling ko pinakamataas na inooffer nila... 2nd choice at third kung ano ung parang napupusuan ko. so ayun e nakuha naman agad ang results. pasado. so ayun na sunod sunod na ung pagprocess ng papers. di man lang nasagi sa isip ko na mahirap, magastos, matagal ang pagiging dentista.
Pero ngayong naka 4 na taon nako sa kursong to, hindi naman ako nagreregret na ito ang napili ko. saka kung iisipin sa layo na ng narating ko ngayon pa ba ako uurong, kung kelan marami nang gamit ang nabili mula libro hanggang dental materials... sayang naman. kaya natutunan ko naman sya mahalin ...basta matyaga ka lang makakasurvive ka sa kursong to. dalawang taon nalang at magiging licensed dentist rin ako
Comments
Post a Comment